Saturday , April 27 2024

Drama King title, ‘di raw inaasahan ni Dennis

091014 Dennis Trillo

ni Ed de Leon

HINDI raw naghahabol si Dennis Trillo ng mga title at inamin niya na hindi naman niya inaasahan o hindi niya iniisip ang itinawag sa kanyang “drama king” noong launching ng bago niyang serye. Sinasabi nga ni Dennis, para sa kanya ang mahalaga ay iyong body of work. Hindi siya naghahangad ng titles pero sabi nga niya, ”kung gusto iyon ng network ‘di sige”.

Malakas naman siguro ang loob ng network na tawagin siyang “drama king” after all talaga namang mahusay na actor si Dennis. Kahit na sabihin mong minsan nasusuot siya sa kung ano-anong controversy sa kanyang buhay, alisin mo iyong mga bagay na personal, sasabihin mong siya ay isang mahusay na actor talaga.

To be honest about it, nakumbinsi kami ni Dennis na isa siyang mahusay na actor matapos naming mapanood ang isang pelikulang ginawa niya noon, kasama si Judy Ann Santos at iyon ang unang pagkakataon na napanood namin siya sa isang pelikula. Iyan kasing TV, hindi mo talaga masasabing batayan ng mahusay na acting, dahil alam naman natin na iyang mga seryeng iyan ay ginagawa ng mabilisan, at kung minsan inaabot sila hanggang madaling araw. Natural kung exhausted na ang artista, ano mang galing niya, bawas na ang makikita mo.

Talagang makikita mo iyong tunay na acting kung pelikula iyan. Kung sa bagay, maski naman sa TV lalabas iyan, iyon nga lang hindi mo masasabing solid talaga ang acting sa telebisyon.

Siguro nga riyan sa kanilang network, kung ang titingnan mo ay ang mga present talent nila, masasabi mong si Dennis na nga ang puwede nilang tawaging “drama king”. After all, sa lahat sa kanila siya ang masasabi mong may napatunayan na talaga.

Hindi lahat ng ginawa niyang serye ay hit. Hindi rin lahat ng seryeng ginawa niya ay napapanood namin. May isa siyang serye na hindi namin pinanood at hindi rin namin inendoso dahil nga siguro sa aming ibang paniniwala tungkol sa subject ng seryeng iyon, pero generally mahusay naman ang mga ginagawa niyang proyekto, at napatutunayan naman niya ang kanyang pagiging actor.

Pero para kay Dennis nga, may title man o wala, pareho lang sa kanya iyon.

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *