Saturday , April 27 2024

Lovi, ‘di raw komportableng makipagtrabaho kay Dingdong (Dondon Monteverde, desmayado sa PAMI)

091714 Lovi Poe dingdong

00 SHOWBIZ ms mKAUGNAY pa rin ito ng usaping Lovi Poe at Direk Erik Matti ukol sa pelikulangKubot: The Aswang Chronicles. Nagpahayag ng pagkadesmaya ang isa sa producer nito na si Dondon Monteverde sa pamamagitan ng kanyang Facebookaccount ukol sa pinalabas na suporta ng mga miyembro ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc.)  kina Lovi at manager na si Leo Dominguez.

Aniya, ”I am not in the habit of posting my grievances on social media, but today I have to make an exception. Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) released in one of their statements in support of their member, Leo Dominguez, against the Facebook complaint of my director, talent and co-producer in Reality Entertainment, Mr. Erik Matti, regarding the non-compliance of the contractual obligations of Lovi Poe.

“I am surprised at how PAMI arrived at a consensus to support Leo Dominguez without even hearing our side of the story.”

Ani Dondon, pinirmahan nina Lovi at Leo ang kontrata para sa Tiktik: The Aswang Chronicles kasama ang sequel or prequel nito.

Aniya, tatlong beses kinompirma sa kanya ni Leo na lalabas si Lovi sa kanilang pelikula. Una ay noong nagka-usap sila ni Leo, pangalawa ay noong kukunin na ang schedules ni Lovi na sinabi pang kailangang bayaran ang aktres ng P400,000 para sa dalawang araw na paglabas, at ang ikatlo ay nang humingi sila ng tulong sa GMA Films sa pamamagitan ni Joey Abacan na kung maaaring maibaba ang TF nito sa P90,000 per day..

Subalit sa kabila na nagkasundo na sila sa presyo, napag-alaman daw ni Direk Erik na hindi pa rin matutuloy si Lovi, ito’y dahil hindi raw komportableng makatrabaho siDingdong Dantes. Ani Lovi, malamig daw ang pakikitungo sa kanya ng GF ni Dingdong na si Marian Rivera.

Kasunod nito’y hindi na raw sinasagot ng kampo ni Lovi ang mga tawag at text ni Direk Erik kaya naman naiintindihan daw ni Dondon kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Direk Erik.

“What he said may be a bit harsh, but he has every right to his freedom of expression.

“To some, or to most even, it may be unpopular, but his honest, irreverent burst of anger straight from the heart, is something that I fully respect.

“I’d rather have a partner that’s direct and truthful, than one who is politically correct, a hypocrite and dishonest, just like some of our industry colleagues that we hope we could change little by little, in this lifetime.”

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *