Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 ngipin ipinabunot sa faith healer, kelot tigok

5 ngipin ipinabunot sa faith healer, kelot tigok

082214_FRONT
BACOLOD CITY – Patay ang isang lalaki sa lalawigan ng Negros Occidental makaraan magpabunot ng ngipin sa isang faith healer kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jerry Aguirre, 28, residente ng Brgy. Punta Mesa, Manapla.

Batay sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Jona Dela Cruz, isang guro, humingi sa kanya ng pera ang kapatid para magpabunot ng ngipin ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sa faith healer na Diosdado Mahilum nagtungo ang biktima.

READ MORE:  Dagdag na benepisyo sa mga beterano, hiniling ni Trillanes na lagdaan ng Pangulo

Nagulat na lamang siya kinaumagan nang matagpuan ang kapatid sa silid na wala nang buhay.

READ MORE:  TRO extension vs power rate hike hiniling sa SC

Batay sa findings ng kanilang municipal health officer, namatay ang biktima dahil sa septic embolism o infection at blood poisoning.

Napag-alaman, limang ngipin ang ipinabunot ng biktima, dalawa sa ibaba at tatlo sa itaas.

Pinaniniwalaang naengganyo ang biktima na sa faith healer magpabunot ng ngipin dahil sa murang serbisyo kung magpapagawa rin ng pustiso.

READ MORE:  Tigil-putukan sa Pasko — NPA

Si Mahilum ay kilalang gumagawa ng pustiso at bumubunot din ng ngipin bagama’t walang lisensiya bilang dentista.

Pinaghahanap ng pulisya si Mahilum makaraan ireklamo ng kapatid ng biktima.

ni BETH JULIAN

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved