Friday , April 26 2024

Coco, excited na makatrabaho si KC Concepcion sa Ikaw Lamang

081814 KC coco Ikaw Lamang
ni Nonie V. Nicasio

UNANG pagkakataon na makakatrabaho ni Coco Martin si KC Concepcion sa pag-entra nito sa bagong kabanata ng Ikaw Lamang ng ABS CBN. Aminado ang award-winning actor na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya. “Una, siyempre nae-excite, siyempre KC Concepcion iyan e. May takot din, kasi hindi pa kami ganap na magkakilala. First time lang namin magkakatrabaho,” esplika ni Coco.

Dagdag pa ng Kapamilya star, “Nakaka-surprise lang kasi first time naming magkaeksena kagabi. Then, alam mo yung nakikipag-collaborate siya, lumalabas siya sa tent, nakikipagkuwentuhan siya sa amin ng mga directors, naki-kipagkwentuhan siya sa mga staff.

“Kumbaga, ipinapakita niya ang interest at dedication niya sa proyekto,” papuri pa ni Coco kay KC.

Nang usisain naman kung kanino sa co-stars niya sa Ikaw Lamang na sina Boyet de Leon at Joel Torre ang gusto niyang sundan ang yapak, sina-bi ng magaling na actor na nasa punto siya ngayon ng career niya na gumagawa siya ng sa-riling direksiyon. Pero ayon kay Coco, inspirasyon niya ang mga magagaling na aktor na tulad nina Boyet at Joel and marami raw siyang natutunan sa kanila.

Sa malaking pagbabago ng Ikaw Lamang ngayong Agosto, nanatili sina Kim Chiu at Coco mula sa original cast, ngunit bilang mga anak na ng kanilang dating characters ang gagampa-nan nila. Si Kim ay gaganap bilang Andrea, samantalang si Coco ay gaganap bilang Gabriel. Si KC naman si Natalia, isa sa mga anak nina Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca).

Bukod kina Coco, KC, Kim, Boyet, at Joel, tampok din dito sina Amy Austria, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Mylene Dizon, at iba pa. Sa direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco. Ang Ikaw Lamang ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television.

PAO CHIEF ACOSTA, NAKIDALAMHATI SA MGA KAANAK NG LUMUBOG NA BARKO

NAPAIYAK ang PAO chief na si Atty. Persida Acosta sa naging desisyon ng Korte Suprema na hindi criminal case kundi civil case lamang ang maaaring isampa kay Edward Go, VP ng Sulpicio Lines. Ukol ito sa lumubog na MV Princess Of the Stars, isa sa mga kasong tinutulungan ni Atty. Persida.

“Nag-iiyakan sila, malungkot ang mga kaanak ng mga biktima at ang sabi nila ay ganoon lang pala ang buhay ng tao, pera lang pala ang kapalit. Kaya siyempre ay naiyak din ako, dahil ako’y namatayan din ng kapatid noon e.

“Kaya sana naman ay i-review nila iyan. Huwag namang civil case lang, kawawa naman kasi ang relatives ng mga biktima na humihingi ng hustisya, sana naman pakinggan nila ang plea namin,” saad ng matapang na abogada.

Magsasampa ng Motion for Reconsideration ang mga kaanak ng biktima ng lumubog na barkong MV Princess Of the Stars.

Samantala, ang naturang okasyon ay hindi lang tsikahan ng PAO chief sa mga taga-press, kundi simpleng salo-salo na rin para sa kaarawan ni Atty. Persida.

Isa sa napagkuwentohan ang planong pagasasapelikula ng buhay niya. Okay daw kay Atty. Persida kung either kina Dawn Zulueta, Lorna Tolentino o Bea Alonzo ang gaganap bilang siya.

Nang napadako naman ang usapan sa paghihikayat ng iba na sumali siya sa kanilang sena-torial slate sa 2016, hati ang entertainment press dito. Nagkaroon pa ng biglaang survey sa pamamagitan ng taasan ng kamay kung sino ang pabor at hindi sa pagsabak niya sa senatorial election, hati ang boto ng press.

Personally, para sa akin ay gusto kong tumakbo si Atty. Persida as senator dahil kailangan natin ng mga tapat na public servant na makatutulong talaga sa bayan at hindi puro politika at pagpapayaman ang alam gawin. Maganda ang track record ni Atty. Persida at hindi siya nadadawit sa anumang anomalya. Kaya boto ako sa kanya. Ano sa tingin mo Fernan de Guzman?

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *