Friday , April 26 2024

Michael at Angeline, mahigpit ang labanan sa Himig Handog (Angeline, dream makapag-concert sa Araneta!)

 080714 Michael Pangilinan angeline quinto

ni Roldan Castro

FEELING namin mahigpit ang labanan  ng dalawang finalists ng  Himig Handog P-Pop Love Songs 2014. Ito’y ang Pare, Mahal Mo  Raw Ako ni Michael Pangilinan (sa komposisyon ni Joven Tan) at Hanggang Kailan ni Angeline Quinto na isinulat ni Joel Mendoza.

Naaliw kami habang pinakikinggan ang kanta ni Michael. Kakaiba ito at magugustuhan ng mga beki. Tungkol  ito sa isang guy na may gusto  sa kanya ang kaibigan niyang gay. Sinasabi niya na walang mababago sa relasyon nila, pero hanggang kaibigan lang.

Noong 2013 ay grand prize sa Himig Handog ang isinulat ni Joven na  Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa na kinanta ni Aiza Seguerra.

Masungkit kaya ulit ni Joven o mabibigyan ng chance si Joel na first time na lumahok sa  naturang competition?

Bumagay kay Angeline ang kantang Hanggang Kailan na bagay na bagay na theme song sa pelikula o teleserye. Gustong-gusto ni Angeline ang love story behind the song at nakare-relate raw siya.

Sey nga ni Joel, ”I’m so grateful to the Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 for letting the Queen of Teleserye Theme song , Ms. Angeline Quinto, to interpret my song ‘Hanggang Kailan’. It’s truly an amazing experience to work with Angeline , with her humility, humor and vocal prowess. She gave her 150% to give life to this song!”

Bongga!

Angeline, dream makapag-concert sa Araneta!

HAWAK talaga ni Angeline Quinto ang titulong Queen of Teleserye Theme Songs. Pero bakit hindi na nasundan ang serye niyang Kahit Konting Pagtingin?

Bakit ‘di siya gumagawa ng teleserye? May mga offer naman daw pero prioridad niya talaga ang pagkanta. Dream niya kasi na umabot siya at makapag-concert sa Araneta Coliseum. Lagi niyang ipinagdarasal na umabot siya sa ganoong kalaking venue pero hindi pa sa taong ito dahil marami pa siyang raket sa labas.

Talbog!

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *