Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot utas sa tandem

Bebot utas sa tandem

PATAY noon din ang isang babae nang barilin sa dibdib ng riding in tandem makaraan siyang agawan ng bag sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang may gulang na 24 hanggang 25-anyos.

Natagpuan ng mga tanod na nakahandusay at wala nang buhay ang biktima Faustino St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa isang saksi, nakita niyang naglalakad ang biktima sa lugar na kapayong at pagtapat sa isang apartment ay nilapitan ng isang maliit na lalaking naka-jacket at hinablot ang kanyang bag. Nanlaban aniya ang biktima kaya binaril siya ng suspek.

Makaraan ay mabilis na tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay na motorsiklo ng kanyang kasabwat. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top