Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Malaki ang naiambag ni Nora sa industriya kaya dapat lang siyang maging national artist — Direk Wenn Deramas

Malaki ang naiambag ni Nora sa industriya kaya dapat lang siyang maging national artist — Direk Wenn Deramas

ni Eddie Littlefield

AYAW na sanang magsalita si Wenn Deramas tungkol sa pagkakalaglag ni Ms. Nora Aunor bilang National Artist, marami kasi ang sumasawsaw sa issue na ito. Nagsalita na nga ang Pangulong Noynoy Aquino na droga ang pinakamabigat na dahilan kung bakit binura si Ate Guy sa listahan na puwedeng maging National Artist ng bansa.

Sa totoo lang, may karapatan ang box-office director na magbigay ng kanyang saloobin. Naidirehe na ni Wenn ang Superstar sa  teleseryeng Bituin ng ABS-CBN.

“Ako talaga for National Artist, deserve ni Nora Aunor. Deserve na deserve niya ang pagiging National Artist. You cannot marry artistre with morality. Dahil ang mga artist ay may mga topak. Kung gusto mong purong moralidad, madre ang i- nominate ninyo o pare or pastor.

“Kasi kung minsan, doon humuhugot ng kabaliwan ang mga artist sa kanilang topak. Again, you cannot marry morality to artistre.

“Para siyang angel and devil. So, ibig sabihin, ginawa ni Nora para sa bansa, para sa kanya, para sa kapwa Filipino na ‘pag kakaisa-isa niya noon ‘yan parang isang bayani. Na panonoorin ang pelikula, tulungan ang industry ng pelikula. Iangat ang kalidad ng pag-arte, si Nora ang nag-revolutionist ng lahat.

“Para siyang si Andres Bonifacio, mula sa hitsura hanggang sa acting binago ni La Aunor ‘yan. Puwede mong sabihin na nakatrabaho ko na si Ate Guy, na-experience ko ‘yan. Ako na mismo ang first hand sa ‘Bituin’ at ‘MMK’, na experience ko ang galing na ‘yan. At maganda ang working relationship namin ni Nora. Kapag sinabi ko, ang call time 7:30 a.m., nasa set siya ng 6:30 a.m. for make-up. May ganoon kaming respetuhan ni La Aunor. But I cannot say anything about sa iba niyang nakatrabaho na nakaranas ng kanyang  kaloka-lokahan. But she’s Nora Aunor, ibigay natin sa kanya ‘yun. She’s a Superstar. Kung ‘yung mga hindi nga Superstar, mga starlet na nagdiva-divahan na wala ‘yung talino ni Nora Aunor gumaganyan  and yet ina-allow natin, si Nora Aunor pa ba ? Ibigay natin sa kanya ang pagiging National Artist dahil malaki ang naiambag niya lalo na sa ibang bansa.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top