Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbabati nina Claudine at Raymart, sana’y tuloy-tuloy na!

Pagbabati nina Claudine at Raymart, sana’y tuloy-tuloy na!

ni Roldan Castro

SANA nga ay tuloy-tuloy na sa pagbabati ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Sana ay seryoso si Claudine sa pagsasabing karirin na natin ito para mapayapa nilang magampanan ang kanilang  responsibilidad sa kanilang mga anak.

Magandang sign ang picture na magkasama sila at ang kanilang mga anak para tumahak sila sa tamang daan. Hindi man magkabalikan ay maging maayos ang sitwasyon nila para sa mga anak nila. Kumbaga, maipakita nila na mabuti silang magulang alang-alang sa kanilang mga anak.

Kahit ang lawyer ni Claudine na si Atty. Ferdinand  Topacio ay nagsasabing hindi makaapekto sa kaso ng mag-asawa na makitang magkasama sila dahil para sa kapakanan ito ng kanilang mga anak.

‘Yun din ang gusto nilang mangyari, maging maayos ang problema alang-alang sa mga bata. ‘Yung mga anak nila ang unang matutuwa sa nagaganap ngayon.

Tsuk!

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top