Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zsa Zsa, aware na idinate ni Conrad si Pops

Zsa Zsa, aware na idinate ni Conrad si Pops

ni Roland Lerum

TINANGGAL na ni Zsa Zsa Padilla ang mga gamit na nakapagpa-paalala kay Dolphy sa sariling kwarto.  Parang namamaalam na siya talaga sa nakaraan.  Sa ngayon kasi, umiinog na ang mundo niya kay Architect Conrad Onglao.

Mismong si Eric Quizon ang nagbigay ng go-blessing sa kanya para mag-move on siya. Bale si Eric kasi ang representative ng mga Quizon at naiintindihan niya ang sitwasyon ng dating madrasta.

Pero kahit may relasyon na sila ni Conrad, hindi pa raw ito nagpo-propose.  “Hindi ko pa rin masabi kung kami na nga, patuloy pa rin kaming getting to know each other,” sabi ni Zsa Zsa.

Inamin daw ni Conrad sa kanya na idi-nate na nito si Pops Fernandez, pero date lang at hindi naging sila.

Xian, ‘di raw bagay maging Captain Barbell

MAY gagawing pelikula naman sina Kim Chiu at Xian Lim at masusubukan na naman ang kanilang box-office power.

Pero uunahin na muna ni Xian ang Captain Barbell na ngayon pa lang, marami na ang tumututol dahil hindi raw bagay sa kanyang pangangatawan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top