Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, aminadong pinakamatapang na desisyon ang makipagbalikan kay Luis

Angel, aminadong pinakamatapang na desisyon ang makipagbalikan kay Luis

ni Roldan Castro

BAGO kami umalis papuntang Europe ay nagkita kami ni Angel Locsin sa taping niya ng The Legal Wife sa Vermont Subd. sa Mc Arthur Highway.

Puspusan ang taping niya para sa pagtatapos ng naturang serye.

Sey nga ni Angel, pinakamatapang niyang desisyon ay ang pakikipagbalikan kay Luis Manzano. Hindi naman intension na saktan siya ni Luis noong maghiwalay sila pero dahil mahal na mahal niya si Luis, ‘yung pain na naramdaman niya baka maging one hundred times ‘pag masaktan siya ulit.

“Tapos dahil hindi ka naman sure kung magiging okay ba kayo, babalikan mo ‘yung isang bagay na hindi ka naman sigurado, na baka pagdaanan mo ulit ‘yung lahat ng pain na naramdaman mo. Back to zero ka ulit, ‘di ba, parang ang tapang-tapang ko na. Sobrang proud ako sa sarili ko sa ginawa kong ‘yon,” deklara niya sa panayam niya sa Aquino & Abunda Tonight.

Ibang-iba raw ang communication nila ngayon kompara rati. Nakatulong din ang mga pinagdaanan nila para madiskubre nila na para sila sa isa’t isa at masaya sila ngayon.

Talbog!

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top