Friday , April 26 2024

Imbes na kamuhian, Krista Miller pinasalamatan pa ng buong ningning ni Sunshine Cruz

ni Peter Ledesma

Sa kanyang recent interview ay buong ningning na pinasalamatan ni Sunshine Cruz, si Krista Miller ang babaeng na-involved noon sa ex na si Cesar Montano. Say ng actress dahil sa pagpasok ni Krista sa buhay ni Cesar ay nakalaya siya. Matagal na raw sana niyang plano na iwan na si Cesar pero lagi niyang iniisip ang kapakanan ng kanilang three daughters ni Buboy. Pero noong matsismis na ang actor kay Krista at nakompirma ni Shine na totoong may namagitan nga sa dalawa hayun, napuno na ang salop at tuluyan na ngang nakipaghiwalay sa ama ng kanyang mga anak. Simula nang mawala raw si Cesar sa buhay ng Kapamilya actress ay nagkaroon na ng progress ang buhay niya. Yes in span of one year ay nakabili na si Sunshine ng sarili niyang bahay sa Parañaque at afford na rin niya na siya na ang magpaaral sa mga anak nila ni Cesar. Sa malinis na paraan nakuha ng actress ang mga datung na ‘yan na nanggaling sa mga project niya sa ABS-CBN at ilang endorsements.

Kahanga-hanga naman gyud!

DREAMSCAPE HEAD DEO ENDRINAL NAKATUTOK SA EDITING NG TATLONG MALALAKING TOP-RATING TELESERYE SA DOS

Now, hindi na kami magtataka kung bakit lahat ng mga teleseryeng gawin ng Dreamscape Entertainment Television ay pumapatok sa TV viewers. Kasi naman pala bukod sa magaganda nilang material at magagaling na artistang nagsisiganap ay pati ang head ng Dreamscape na si Sir Deo Endrinal ay talagang nagpapagod. Kaya laging ngarag si Sir Deo, kasi devoted siya sa kanyang work at personal ta-laga niyang bi-nabantayan ang editing ng kanilang mga teleserye tulad ng Mirabella at nagpapalitan ngayon sa puwesto sa pagiging No. 1 teleserye sa Primetime Bida na Dyesebel at Ikaw Lamang. Ayaw kasi ni Sir Deo na hindi malinis ang editing, gusto niya walang butas para kapag pinalabas sa TV ay magugustohan ng mga manonood. Sulit na sulit naman ang pagod ng mabait at sweet na boss ng Dreamscape dahil last May 22, Thursday, pare-parehong umangat ang ratings ng tatlo nilang shows. Ito na ang pinaka-all time high rating ng production this year. Base sa bagong datos ng Kantar Media: National Ratings nagtamo ng 22.6% ang Mirabella ni Julia Barretto, naka 34.9% naman ang Dyesebel ni Anne Curtis at umabot naman sa 34.1% ang master serye nina Coco Martin at Kim Chiu na Ikaw Lamang. Syempre masayang-masaya ang bawat casts at buong Dreamscape Team na bukod kay Sir Deo nariyan rin sina Sir Biboy Arboleda, Ms. Julie Ann Benitez, Ms. Dagang Villar at head publicisit ang minamahal naming si Eric John Salut and many more.

KILALANIN ANG MGA PASOK SA BAGONG BATCH NG “EBEST SCHOLARS” NG EAT BULAGA

Taon 2009 nang umpisahan ng Eat Bulaga ang kanilang EBest o Eat Bulaga Excellent Students Awards. Nagtaguyod sila ng scholars sa mahihirap na estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao. Bukod sa libreng pag-aaral ay may monthly allowances rin ang mga napabilang sa unang batch ng EBest at ang Bulaga ang nag-provide ng school supplies sa kanila kabilang na riyan ang bags, sapatos at iba pang gamit eskwela. Ngayon para sa ikaapat na taon ng kanilang Education project, nitong Sabado ay ipinakilala na nina Bossing Vic Sotto, Tito Sen at Joey de Leon ang mga pasok sa 2nd batch ng kanilang EBest Scholars at sila ay sina Gerald Castro ng Bukidnon, Ean Dominic ng Payatas, Diana Lou Bautista of Palawan, Adrian Calangan of Tugegararo, Jason Itano ng Rizal, Jesicca Olivo ng Tacloban, Mark Louie Cantiga from Bulacan, Rhia Christine Santos from Cotabato, Allen Cortez ng Abra, Zaldy Felisilda ng Bohol, Aldrin Punzalan of Pampanga, Brix Aaron Morton ng Leyte at marami pang iba. Pag-aaralin silang lahat ng Eat Bulaga sa Kolehiyo at tatanggap rin ng buwanang allowance. Kasama ng mga Dabarkads natin ang Bulaga sa pagtupad sa kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

May regalo pa sa kanila ang programa at bawat isa ay binigyan ng 0+ Fab Go Cellphone.

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *