Saturday , May 17 2025

JDI nakipag-partner sa Rowers Club Philippines Sea Dragons

052514 JDI dragon boat
 

HINDI LANG PANG-CONSTRUCTION, PANG-ISPORTS DIN. Lumagda ang Jardine Distribution, Inc., (JDI) at Rowers Club Philippines Sea Dragons, Inc., sa isang partnership na kinatawan nina Edwin Hernandez, JDI President/General Manager; Joven Vilvestre, JDI Construction Supplies National Sales Manager;  at Christian Villar, RCP President, nitong nakaraang Mayo 14 (2014) sa JDI headquarters sa Makati. Nakapaloob sa nasabing kasunduan na ang JDI ang magbibigay sa RCP ng “rash guards shirts” sa pamamagitan ng kanilang Sureseal elastomeric sealant. Sa bahagi naman ng RCP, sila ang magsasanay sa JDI employees para sa sports na dragon boat racing.

PATULOY ang commitment ng Jardine Distribution, Inc. (JDI) sa pagsusulong ng kalusugan at kagalingan sa pamamagitan ng sports sa pakikipag-partner sa Rowers Club Philippines Sea Dragon Inc., ang rowing organization na nagsusulong ng sport ng dragon boat paddling sa nakaraang 17 taon.

Ang RCP dragon boat racing team, tinaguriang Sea Dragons, ay nagsasagawa ng mga pagsasanay sa Manila Ocean Park, apat na beses kada linggo. Aktibo ang RCP hindi lamang sa pagtulong sa mga miyembro nito para matamo ang kagalingan at tagumpay sa kanilang napiling sport, kundi maging sa mga proyekto na mapaki-kinabangan ng iba pa.

Ang mga opisyal ng JDI at RCP ay lumagda sa kasunduan noong Mayo 14 na nagsasaad na nangangako ang JDI sa pagkakaloob ng rash guard shirts sa Sea Dragon members para kanilang magamit sa kanilang pagsasanay at kompetisyon.

Ang Rashguard ay special athletic wear para sa water sports; pinoprotektahan nito ang nagsusuot mula sa rashes na dulot ng abrasion gayundin ng init mula sa araw. Ang JDI ay nagkakaloob ng rash guard shirts sa pamamagitan ng brand nito, ang Sureseal Elastomeric Sealant.

“Members of the Sea Dragons need proper protection when they are paddling as they are exposed to the risks of chaffing and abrasions when they are on the boat and in the water. The heat of the sun can also get really intense. Rash guards are very important in keeping our rowers safe and helping them perform at their best during training and races. The RCP appreciates very much the contribution that JDI is making to our dragon boat athletes,” pahayag ni RCP President Christian Villar.

Bilang kompanya, naniniwala ang JDI sa pagtulong sa mga tao, kabilang ang mga empleyado nito, at pagtatamo ng kalusugan sa pamamagitan ng physically active lifestyle. “JDI has employee fitness programs that include Zumba, Bowling, and Badminton. We believe that we can all perform better at work and in our personal lives when we are fit. This is why, as part of our partnership with RCP, we have asked them to train our employees, those who are interested, in the sport of dragon boat paddling,” ayon kay Mr. Edwin Hernandez, JDI President and General Manager.

Ang JDI-RCP partnership ay pormal na ilalatag sa pamamagitan ng 200-meter dragon boat race sa Camarines Norte sa Hunyo 13 at 14, 2014.

Nag-alok ang Jardine Distribution, Inc., ng Sureseal, ang elastomeric sealant na may “Iwas-Crack” advantage. Kaiba sa ibang brands, hindi ito nagka-crack dahil sa elastic formulation nito “that moves with the substrate.” Ito ay epektibong sealant hindi lamang para sa GI roofing kundi maging sa gutters at downspouts.

Para sa dagdag na impormasyon sa Sureseal at iba pang JDI brands, maaaring magtungo sa http://jardinedistribution.com.

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *