Saturday , April 27 2024

Chinese businesswoman, anak dinukot sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang pursuit operation ng PNP at militar laban sa mga suspek na responsable sa panibagong insidente ng pagdukot sa Isabela City, lalawigan ng Basilan, na ang mga biktima ay isang negosyanteng Chinese at anak niyang babae.

Batay sa ulat ng Isabela City police station, kinilala ang mag-ina na sina Dina Iraham Lim, 45, at Yahong Tan Lim, 19, may-ari ng Dalby’s Videoke Bar.

Nabatid na pwersahang dinukot ang mag-ina dakong 9:35 p.m. kamakalawa sa Magno Extension, Brgy. Port Area ng 10 armadong lalaki na nakasuot ng camouflage uniform.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, itinakas ng mga suspek ang mag-ina sakay ng dalawang pumpboat na kulay asul papunta sa hindi pa malamang direksyon.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *