Friday , April 26 2024

Boy Abunda, Kris Aquino, Toni Gonzaga at kapamilya young TV host – actress magsasanib puwersa sa “the buzz”

ni Peter Ledesma

LAST Sunday, kasabay ng pagbabu ng “Buzz ng Bayan,” except for Kuya Boy Abunda ay namaalam na rin sina Janice de Belen at Carmina Villaroel na sabi ay bibigyan ng morning show. Ang kapalit sa nawalang show ay “The Buzz” na mas feel pa rin panoorin ng TV viewers sa Pinas at TFC. S’yempre retained ang senior host ng The Buzz na si Kuya Boy. Sa pagbabalik ng nasabing Sunday showbiz oriented talkshow na magsisimula na ngayon Sunday, May 18, muling makakasama ni Kuya Boy ang kanyang Bff na si Kris Aquino at dating kasamahan rin sa show na Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga. Hindi lang ‘yan soon ay makikipagsanib-puwersa rin sa programang ito ang Kapamilya young TV host-actress na super ingay rin ng pangalan sa showbiz, na pagdating sa hosting at pagpapatawa ay hindi rin makakabog! Very confidential pa at ayaw pang ilabas ang identity ni young actress basta siguradong once na umapir na siya sa show ay siguradong mag-eenjoy kayong lahat. Mapapanood ang The Buzz pagkatapos ng LUV U sa ABS-CBN 2. Watch nating lahat ito gyud!

MAYA AT SER CHIEF, MAGBABAHAGI NG GOOD VIBES BUKAS SA MARQUEE MALL PAMPANGA

Maki-bonding kina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa “Be Careful with my Heart: Kapit-Bisig Day” bukas (Mayo 17), 4PM, sa activity area ng Marquee Mall, Pampanga. Magsaya sa mga inihandang programa at sorpresa ng iba pang “Be Careful” stars gaya nina Jerome Ponce, Marlo Mortel, Sylvia Sanchez, Lito Pimentel, Tart Carlos, Viveika Ravanes, Micah Muñoz, at JM Ibañez. Samantala, dahil sa kwento nitong puno ng saya at inspirasyon para sa buong pamilya, nananatiling numero unong daytime TV program sa bansa ang “Be Careful With My Heart.” Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Biyernes (Mayo 9) kung kailan humataw ang Mother’s Day episode ng Kapamilya kilig-serye ng national TV rating na 16.2 percent. Huwag palampasin ang Best TV Drama Program ng 22nd KBP Golden Dove Awards, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-”It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-’like’ ang official Facebook page ng sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

STUDIO AUDIENCE PWEDENG MANALO NG CASH ARAW-ARAW SA MGA CHALLENGE NG BAYANIHAN OF ‘DA PIPOL

Habang ginagawa ang challenge sa Bayanihan of ‘Da Pipol, iisa lang ang pare-parehong inaasam ng mga studio audience sa Eat Bulaga, sila ay palaring manalo. Nakasasalay sa apat na contestant sa Barangay ang chance nila para magwagi ng 5K at apat din ang pwedeng manalo sa kanila na s’yempre malaking tulong nga naman sa kanilang mga pamilya. Kaya kung sino ang panalo sa challenge sa araw na ‘yun at kung anong kulay ng chaleco (vest) ang suot ng winner tulad ng blue, red, yellow at green. Sa mga kulay naman bubunot si Bossing Vic Sotto ng apat na numero mula sa studio audience nila sa Broadway Studio na bawat isa ay pwedeng makapag-uwi ng P5,000 cash. Sa interview na ginagawa ng EB Dabarkads sa mga winner sa pakulong ito, majority sa kanila ay iisa lang ang sinasabi na mapupunta sa pamilya nila ang kanilang napanalunang cash, lalo na sa kanilang mga anak na pinag-aaral. ‘Yung iba naman pambili nila ng gamot para sa kaanak na maysakit, pamalengke, bayad sa ilaw at tubig. Kaya malaking tulong talaga ang Bulaga sa mga Dabarkads dahil nasasagot ang problema nila sa usaping financial.

About hataw tabloid

Check Also

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWANni Ed de Leon UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *