Saturday , April 27 2024

Tacloban Hospital muling itatayo ng SM Foundation

050114 tacloban doh sm

SINA Usec. Jose Llaguno ng DoH, Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Sen. Ping Lacson ng OPARR, SMIC’s Tessie Sy-Coson, Connie Angeles ng SM Foundation, DoH Usec. Teodoro Herbosa at OPARR Usec. Danilo Antonio sa ginanap na Memorandum of Agreement Signing Ceremony kaugnay sa pagsasaayos ng Tacloban City Hospital na winasak ng super typhoon Yolanda. (BONG SON)

UPANG  matugunan  ang  atensyong medikal ng mga biktima ng super typhoon Yolanda, nakipag-partner ang SM Foundation sa City government at Department of Health (DoH) para sa muling pagtatayo ng Tacloban City Hospital.

Ang nasabing ospital ay lubhang napinsala ng super typhoon Yolanda kaya napagkaitan ang mga residente ng lungsod ng kailangan nilang serbis-yong pangkalusugan.

Ang nasabing ospital ay hindi kabilang sa “No-build zone” kaya hindi na kailangan pang ilipat ng ibang lugar. Kabilang sa muling itatayo at isasaayos ay ang Main Building at ang Out-patient Department (OPD) Building.

Kabilang sa isasagawang repair ang pagpapalawak at relokasyon sa emergency room ng ospital upang makapagserbisyo nang mas maraming pas-yente na nangangailangan ng tulong-medikal.

Ang malnutrition ward ay itatayo rin upang matugunan ang target ng Millen-ium Development Goals (MDGs), gayondin, itatayo rin ang Felicidad Sy Wellness Center for Children and the Elderly.

Ang MOA ay nilagdaan nina Sen. Panfilo Lacson, Presidential Assistant for Rehabilitation & Recovery; Tacloban Mayor Alfred Romualdez; SMIC Vice-Chair & SMFI Trustee Tessie Sy-Coson; Health Undersecretary Teodoro Herbosa; SMFI Exe-cutive Director for Health & Medical Programs, Connie Angeles; Dr. Jose Llacuna; DoH Regional Director for Region VIII; at Undersecretary Danilo Antonio ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation & Reco-very.

Ayon kay Angeles, ang SMFI ay maglalaan din ng basic hospital equipment upang maserbisyohan ang pangangailangang medikal ng 138 barangays na pinagsisilbihan ng ospital.

Aniya, bukod sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng Tacloban City Hospital, isasailalim  din  sa  rehabilitasyon at pagsasaayos ng SMFI ang sampung Rural Health Units, sa pakikipagtulungan ng BDO Foundation sa Visayas.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *