Friday , April 26 2024

Epal ni Ping sa P10-B pork barrel scam go sa Palasyo

HINDI sasawayin ng Palasyo si Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson sa pagsawsaw sa isyu ng P10-B pork scam dahil hindi  ito sagabal sa tungkulin niya bilang rehab czar.

“Pagdating kay Secretary Lacson he said that he actually eats Yolanda for breakfast, for lunch, and for dinner. Puro Yolanda din po ‘yung kanyang iniintindi, at perhaps, nagkaroon lang po ng extra because of this issue. At this point, we really don’t see it as an interference in what Secretary Lacson is doing as rehab czar,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Kamakailan, ibinulgar ni Lacson na isang buwan bago nag-usap sina Justice Secretary Leila de Lima at Janet Lim-Napoles ay hawak na niya ang mga dokumento at  listahan ng mga mambababatas na kasabwat ng detenidong negosyante sa pork barrel scam at ang isang USB na naglalaman ng “revealing telephone conversation” niya sa isang personalidad.

Ang mga dokumento ay ibinigay umano sa kanya ng pamilya ni Napoles, pero nang hamunin siya ng ilang mambabatas na isapubliko ito, tumanggi ang rehab czar.

Ayon kay Valte, si De Lima lang ang alam ng Palasyo na  may hawak ng sinumpaang salaysay ni Napoles kaya’t marapat lang na ang DoJ ang magsapubliko nito.

Wala rin aniyang ideya ang Malacañang sa pagdadawit kay Budget Secretary Butch Abad bilang “mentor” ni Napoles at hindi pa rin kinausap ni Pangulong Benigno Aquino III ang kalihim sa isyung ito.

“Sa amin, as far as we are concerned, nobody else has the affidavit. It’s Secretary Leila de Lima who is in possession of the affidavit of Napoles and until such time that the affidavit is made public then it’s at best speculations on the part of whoever wants to make these allegations,” dagdag ni Valte.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *