Saturday , April 27 2024

Kris, napagkamalang buntis dahil sa pagkahilo (Relasyon kay HB, ‘best of friends’ na lang daw)

ni  Reggee Bonoan

May bago na namang isyu kay Kris Aquino, tinanong ng doktor kung buntis siya sanhi ng pagkahilo niya sa taping ng Kris TV noong Martes ng hapon.

Kuwento ni Kris sa Aquino & Abunda Tonight, ”tinanong ako! Nakakaloka ‘yung doktor! Bago niya ako saksakan ng kung ano-ano, sabi niya, ‘Ma’am, I hope you don’t mind,’ Sabi ko, ‘Yes, what?’ Hilo-hilo pa ako ah. ‘I just have to know, are you pregnant?’ Sabi ko, ‘No, I’m not pregnant, doc! Nakakaloka!”Hindi po akong puwedeng mabuntis! Wala po akong ginagawa para mabuntis ako! Can we just clarify that?”

Paano nga naman mabubuntis si Tetay, eh, wala naman siyang asawa?

Marahil ay nagpakasiguro lang ang doktor na tumingin kay Kris dahil baka nga naman saksakan niya ng gamot, eh, magka-problema pa.

O baka naman sinadya ng doktor tanungin dahil updated siya sa love life ng TV host dahil nanonood siya ng mga programa nito at marahil ay nasubaybayan din niya ang episode na may gustong maka-one night stand si Kris.

Anyway, kuwento ni Kris ay unang beses niyang makaramdam ng sobrang pagkahilo habang nagte-taping sa Intramuros para sa Kris TV noong Martes, ”nahilo ako. As in, major pagkahilo while taping in Intramuros. First time ko ma-experience ‘yung ganoong level of pagkahilo talaga.

”By about 4:15 p.m., talagang umikot na (‘yung paningin ko), I had cold sweat, extreme headache, body ache and all, so nagpadala na ako sa ospital.

“I was dehydrated, bumagsak lahat ng electrolytes ko. I’m anemic. I had my blood works done. I think that’s the red blood cell count and the hemoglobin count was very low.

“Pero iyon, hereditary ‘yon. Pero ‘yun lack of electrolytes, I guess it was the heat.”

“Sinabi sa akin ng doktor ko kanina (Martes ng hapon) na ang hottest time of the day is about 1:00 p.m. to 4:00 p.m., and if possible, avoid being outdoors. It’s a lesson learned for us.”

Samantala, inamin na rin ni Kris na hanggang, “BEST OF FRIENDS” na lang daw sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“We’re not a ‘couple’ but we are the BEST OF FRIENDS. And in this uncertain world, we’re sure to be FRIENDS FOR LIFE. That’s actually what we started as, it’s where we are most comfortable being, and for whatever tomorrow may still bring, true & lasting friendship is always the best foundation.

“May I quote my favorite song? ‘Thanks to you for teaching me how to live, putting things in perspective. Teaching me how to give, and how to take, no mistake.  I grew up a lot this 2014 & he had a big role in what I am today. #noregrets #stillbelieveinlove #someday GOOD NIGHT.”

Nagpasalamat din si Kris kay Bistek sa mga ipinadala nitong energy drink na kinunan din niya, ”I got home & saw all the Gatorade waiting for me. Thank You HB! (Sorry I broke my rule about not mentioning him in my IG account.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *