Friday , April 26 2024

Liz Uy, nagkalat ng Sam-Anne confrontation?

ni  Roldan Castro

FINALLY, inamin na  ni Sam Concepcion  sa panayam ni Kuya Boy Abunda sa Buzz ng Bayan na mag-on sila ni Jasmine Curtis Smith.

“I guess so. Oo,” deklara niya.

Itinanggi rin niya ang pagkaka-link niya sa co-star niya sa Mirabella na si Julia Barretto.

”Lumaki nang lumaki ‘yung istorya. Even she said hindi niya alam kung saan nanggagaling ‘yung intriga,”  aniya.

Umamin din si Sam sa confrontation nila ni Anne Curtis sa birthday ni Vice Ganda. Hindi na niya idinetalye kung totoo ang mga lumabas na dialogue ni Anne sa kanya pero naiintindihan daw niya ito bilang ate. Natural lang daw na protektahan ni Anne ang nakababatang kapatid. Challenge din ‘yun kay Sam para magsikap na magtrabaho para sa magandang future ng magiging pamilya niya balang araw.

Pero ano kaya ang reaction ni Liz Uy dahil siya umano ang pinagbibintangan na nagkalat ng insidenteng ito?Si Liz ay kilalang celebrity stylist at dating girlfriend ni John Lloyd Cruz.

About Roldan Castro

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *