Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Veteran actress, nga-nga na ang beauty dahil sa pagiging unprofessional

Veteran actress, nga-nga na ang beauty dahil sa pagiging unprofessional

MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang road manager dahil tinalakan siya ng isangveteran actress. Nabuking kasi ang pagiging unprofessional ng aktres.

Habang kasagsagan ng kanyang serye sa isang giant network, binitin niya ang taping ng show ng isang singer-actor.

Umuo naman daw ang singer-actress sa taping na ‘yun pero na-stress sila sa hindi niya pagsipot. Ang ending na-pack up ang taping dahil sa kanya.

Nabuking  na may ibang lakad si veteran actress dahil wala sa bahay. Pinuntahan kasi ng road manager at ng staff ng show.

Kinulit daw niya ito sa phone at nakikiusap na sagutin ang phone. Ang ending ay siya pa ang natalakan.

“Ako pa ang lumabas na masama. Akala mo kung sinong sikat, eh, matanda na siya,” sey ng road manager.

Sinagot-sagot din daw niya si veteran actress lalo’t nanumbat pa raw ito sa mga naibibigay niya sa road manager. Ang ending, hindi sila nag-uusap ngayon.

Ang nakakaloka, wala nang serye si veteran actress sa giant network, na-shelve na rin ang inindiyan niyang soap ng singer-actor.

Nganga ang beauty.

ni Roldan Castro

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top