Saturday , April 27 2024

Marian Rivera kinabog si Heart Evangelista (Kahit girlfriend ng senador!)

ni  Peter Ledesma

WALA mang Papang politiko si Marian Rivera ay kabog niya ang may boyfriend ng senador na si Heart Evangelista.

Korek! Kasi si Marian, kinilala ng House of Representatives bilang :Ambassador for Women and Children with Disability.”

At sa kanyang recent speech sa House of Representatives ay ipinakita ng magandang aktres ang layunin niya sa pagbabantay ng karapatan ng kakabaihan at kabataang may kapansanan. Pinalakpakan siya sa kanyang speech at natuwa siya dahil pinagkatiwalaan siya sa nasabing aspeto. E, si Heart wala pang napapatunayan kahit si Sen. Chiz Escudero ang karelasyon niya kaya nga siguro madalas niyang kaiinsekyuran Marian dahil pagdating sa career, anlayo na ng agwat ng Primetime Queen ng GMA sa kanya. Hayan, at pati sa endorsements ay laglag rin si Heart dahil ngayon 2014 ay may limang bagong endorsements si YanYan (palayaw ni Marian) at ‘yan ay ang SKK Mobiles, Talk ‘N Text, Soft & MMMMM fabric conditioner ng Personal Collection, BiofiTea na siya ang latest celebrity endorser. May karapatan siya na mag-promote ng nasabing herbal tea at kita naman ‘yan sa kanyang kaseksihan na well maintained talaga niya. Pinagsasabay kasi ni Marian ang exercise at pag-inom nang regular ng BiofiTea kaya maipagmamalaki talaga ang kanyang angking sexy body at healthy pa all the time.

Iba na ang sikat gyud!

BACKROOM ARTISTS IN ABS-CBN’S MOON OF DESIRE

Backroom artists Benj Bolivar, Carlo Sawit, PJ Go, and Maui Lumba are cast in ABS-CBN’s newest series Moon of Desire. These young actors prepared for their respective roles. Benj exclaimed, “I’m super excited! It’s a dream come true. Dati, nanonood lang ako ng mga soaps together with my family. Now, here I am, kasama na sa bagong Kapamilya show. It’s my turn na panoorin ng pamilya ko sa TV. I promise na mas lalo ko pang pagbubutihin ang aking pag-arte para mapatunayan ko na may kakayahan ako bilang isang aktor.”   Carlo who made a good impression on his first try on TV said he is humbled by the experience. “Promise, pagbubutihin ko ang aking trabaho. Sana magtuloy-tuloy na. Masayang-masaya ako.” PJ and Maui who are in the new MyPhone ad are elated they are part the latest ABS-CBN teleserye Moon of Desire. “Desirable din naman kami, di ba?” PJ joked. “Basta masaya kami,” Maui added. Aside from being cast in Moon of Desire, they are making their presence strongly felt in their special show titled Not Your Ordinary Variety Show at various Pagcor Casino branches together with other NYOBG members Avery Paraiso, Kaye Chua, Bon Jovi Osorio, Junnel Manansala, Jennica Ollero, and Culver Padilla. NYOBG cools down the rising temperature of summer as it takes centerstage on April 3 (Casino Filipino Olongapo), April 9 (Casino Filipino Hyatt), April 12 (Airport Casino Filipino), April 23 (Casino Filipino Angeles), and April 26 (Casino Filipino Pavilion). Joining them onstage as special guests are Krazy Chikz and other Pagcor talents.

For Inquiries, call Backroom Inc at 4351108, 4351120 and 9280717 or email us at

Like Backroom Inc. on facebook at www.facebook.com/backroominc and or follow Backroom Inc. on twitter at www.twitter.com/Back room Artists.

MATANDANG DALAGA NABIYAYAAN NG MALAKING SUWERTE SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY

Ang matandang dalaga na si Herminia de Guzman na nakatira sa kapatid na lalaki sa Brgy. San Pascual, Obando, Bulacan ang nabiyayayan ng malaking suwerte noong Sabado sa Sugod-bahay sa Barangay. Kuwento pa ng old maid kina Dabarkads Jose, Wally, Paolo at biyuti at sexy si Val kaya siya hindi nakapag-asawa ay dahil estrikto at sobrang higpit ng kanilang tatay na matagal nang namayapa. Masunurin siyang anak kaya sinusunod niya ang gusto ng ama. Ang tanging pinaglilibangan ngayon ni Herminia ay pag-aalaga ng kanyang mga pamangkin na mga anak ng kapatid. Noong araw na ‘yun ay sobrang blessed ang matandang dalaga dahil sa walang patid na mga premyong ipinagkaloob sa kanya ng Eat Bulaga at iba’t ibang sponsor. Tumanggap ng halagang P10K si Herminia mula sa Coca Cola, P5K from Bio Fresh, Sock at tiglilimang libo pa rin mula naman sa kabutihan ng Purefoods Star Hotdog, Lafarge Republic Cement, Betadine at Motortrade. Binigyan rin siya ng Motortrade ng bagong-bagong Suzuki Shooter 115 na may kasamang Jacket at Helmet na. Nanalo rin ito ng ilang items ng appliances mula sa Hanabishi, Groceries with 2 sacks of rice and gift certificate worth P5K from Puregold. Nabigyan rin siyang  mga pintura courtesy of Davies Sun and Rain Paint. Siyempre pa, ang pinaka-exciting sa lahat ay ang Bossing Saving’s, ni bossing Vic Sotto at ng BPI Globe Banko. Nabigyan ang kanilang sugod-bahay winner ng passbook na may initial deposit plus ATM at bunos na P45K na tulong-financial naman ng Eat Bulaga para sa buong pamilya nito at makapag-ipon sa kanilang future.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *