Friday , April 26 2024

‘Tirador’ ng tserman sa Caloocan todas sa barilan

PATAY ang isang 37-anyos  mister, makaraang makipagputukan nang sitahin ang kanyang bitbit na baril, habang umaaligid sa  tapat ng   barangay hall, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on the spot si Sandy Raymundo, alyas Palaka, 37, ng Libis St., Brgy. 55, ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:20 pm nang mapansin ang suspek na aali-aligid sa kanilang barangay hall at napuna ang nakabukol na baril sa kanyang tagiliran kaya agad tumawag sa mga awtoridad ang mga barangay tanod.

Nang sitahin ng mga nagrespondeng pulis ay agad sumakay sa isang tricycle ang suspek pero  hindi nakaabante sa sikip ng kalsada dahilan upang siya ay bumaba saka mabilis tumakbo.

Nakorner ang suspek sa kanto ng P. Sevilla St., Brgy. 54 na agad bumunot ng baril at nakipagputukan sa mga pulis pero siya ang naputukan na agad niyang ikinamatay.

Nakuha sa katawan ng suspek ang isang kalibre .45 baril at magazine na may mga bala.

Matatandaang dalawang barangay chairman sa lungsod ang pinatay ng riding in tandem at isang kagawad ang sugatan kaya inaalam kung target ng suspek ang opisyal ng Barangay 55.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *