Saturday , April 27 2024

7-anyos nene utas sa boga ng senglot na tatay

PATAY ang 7-anyos batang babae nang aksidenteng mabaril ng kanyang ama sa Negros Occidental kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Western Visayas Regional Hospital ang bata na tinamaan ng bala sa likod at tumagos sa kanyang kidney.

Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms ang 44-anyos ama ng bata na hindi muna pinangalanan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Brgy. Inolingan, sa bayan ng Moises Padilla, sa naturang lalawigan.

Lasing na nakikipagtalo ang ama sa kanyang misis nang biglang kunin ang kanyang baril at ilang ulit na nagpaputok.

Sa kasamaang palad ay tinamaan ang kanyang anak.

Nakakulong na ngayon ang ama sa Moises Padilla Police Station.

(DANG GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *