Friday , April 26 2024

Ikaw Lamang, pinakatinututukang teleserye!

ni  Reggee Bonoan

NAPAIBIG kaagad ng master seryeng Ikaw Lamang ang buong sambayanan matapos magwagi sa national TV ratings at mainit na pag-usapan sa iba’t ibang social networking sites ang unang episode ng programang pinagbibidahan ng Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu.

Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Marso 10), wagi sa time slot nito ang Ikaw Lamang ng 27.4% na national TV rating o halos 12 puntos na lamang kompara sa katapat nitong programa sa GMA na Carmela na nakakuha lamang ng 16.1%.

Wagi rin sa social networking sites tulad ng Twitter na naging numero unong worldwide trending topic ang hashtag na #IkawLamangGrandPilot.

Bumuhos din ang papuri ng mga manonood tungkol sa istorya, casting, cinematography, musical scoring, at production design ng Ikaw Lamang.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng ‘master teleseryeng’ Ikaw Lamang gabi-gabi, pagkatapos ng Honesto.

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *