Friday , April 26 2024

Coach Jarencio nakakantiyawan

USAP-USAPAN ng mga pilyong sportswriters na  kaya daw hindi pa ipinapahayag ng University of Santo Tomas ang kapalit ni Alfredo Jarencio bilang head coach ng Growling Tigers ay baka naman daw bumalik ito.

Baka daw bumalik kapag hindi naging maganda ang resulta ng kampanya ng Globalport sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup

Ngekk!

Of course, joke lang iyon, no?

Binitiwan na ni  Jarencio ang Growling Tigers at pinagtutuunan na niya ng pansin ang pagiging head coach sa PBA sa unang pagkakataon. Tinapos na niya ang pitong taong stint niya bilang head coach ng UST sa UAAP.

Long overdue na ang pagiging head coach ni Jarencio sa PBA. Naunahan pa siya ng ilang mga coaches na  hindi naman naging champions sa amateur ranks.

Pero parang hindi pa rin maganda ang timing. Kasi nga’y midstream ang pagpasok niya’t paghalli kay Ritchie Ticzon na siyang humawak sa Globalport sa nakaaang Philippine Cup.

Hindi nakakapag-adjust si Jarencio sa  koponang minana niya. Magiging unfair na husgahan siya kaagad kung mangapa ang Batang Pier na may dalawang pagkatalo kaagad sa maiking second conference.

Parang mahirap makabawi kaagad sa kabiguan lalo’t ang kalaban pa nila mamaya ay ang San Mig Coffee  na  nagkampeon sa katatapos na Philippine Cup.

Kaya tuloy kinakanti yawan ngmga kaibigan niyang sportswriters si Jarencio.

Pero sakaling masilat ng Globalport ang San Mig Coffee mamaya, tiyak na magbabago ang pananaw ng lahat. Hindi na nila sasabihing babalik si Jarencio sa UST.

Ang tanong ay kung makakabangon nga ba?

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *