Saturday , April 27 2024

Ruby Tuason umalis uli ng PH — BI

KINOMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), nakaalis na ng Filipinas si Ruby Tuason, dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, at tinaguriang provisional witness sa P10 billion na pork barrel scam.

Sinabi ni BI Spokesperson Maan Pedro, si Tuason ay umalis ng Filipinas noong Marso 2 lulan ng Cathay Pacific patungo ng Hong Kong.

Si Tuason ay dumating sa Filipinas noong Pebrero 7, 2014 mula sa Amerika makaraang siya ay magpahayag ng kahandaan na isiwalat ang kanyang nalalaman sa pork barrel scam.

Sa rekord ng BI, si Tuason ay babalik ng Filipinas sa Abril 5. Gayunman, hindi idinetalye ni Pedro ang pakay ni Tuazon sa pagtungo sa Hong Kong.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *