Friday , April 26 2024

Manuel V. Pangilinan dummy nga ba ni Indonesian tycoon Anthoni Salim?!

00 Bulabugin JSY

MATAAS pala ang kredebilidad ng dating spokesperson ni PGMA na si Rigoberto Tiglao.

Aba ‘e sa dami ng mga artikulong naglabasan ukol sa ‘YAMAN’ at ‘NEGOSYO’ ni Manuel V. Pangilinan sa iba’t ibang  pahayagan at broadcast network ‘e ngayon lang nagkainteres ang Palasyo na paimbestigahan ang ‘higanteng’ nagmamay-ari ng MERALCO, Maynilad, NLEX, communications network (PLDT/Smart/Sun) at estasyon ng telebisyon.

Kulang na lang ay lagyan ni MVP ng metro ang hangin para maging ang hininga natin ay maikomersiyo at pagkakitaan din niya.

Iimbestigahan daw si Pangilinan dahil kapag napatunayan na ‘MUMMY’ este’ ‘DUMMY’ siya ng Indonesian tycoon na si Anthoni Salim ay malinaw daw ‘yan na paglabag sa 1987 Philippine Constitution na nagbabawal sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mahigit sa 40 porsiyento sa mga kompanyang may negosyo sa bansa.

‘E bakit ngayon lang paiimbestigahan ng Palasyo? Kung kailan halos si MVP na ang may-ari ng mga kompanyang dinadaluyan ng batayang pangangailangan, gaya ng koryente at tubig, para sa mamamayan.

Onli in da Pilipins lang talaga na ang batayang serbisyo at pangangailangan ay ginagawang negosyo at hinahayaang mapunta sa mga pribadong kompanya.

Nawa’y maging seryoso ang Palasyo sa imbestigasyong ito.

Sana nga.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *