Friday , April 26 2024

Sir Jerry Yap, ka-level na sina Piolo Pascual at Luis Manzano

ni Nonie V. Nicasio

CONGRATS kay Sir Jerry Yap dahil nominado siya sa 30th PMPC Star Awards for Movies sa March 9, 2014. Gaganapin ito sa Solaire Resort at mapapanood sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa March 16, 2014.

Nominated si Sir Jerry sa kategoryang Darling of the Press award kasama sina KC Concepcion, Luis Manzano, Vicky Morales, at Piolo Pascual.

Kaya naman nakakatuwa na ang top honcho ng Hataw Publication at ALAM National Chairman na si Sir Jerry ay nakahilera ang mga showbiz personalities na itinuturing na mga kaibigan at malapit sa press people.

Ang kaibahan ni Sir Jerry sa mga nagiging nominado rito, si Sir Jerry ay naaasahan at nalalapitan ng mga kapatid sa hanapbuhay kung kailangan nila ng tulong. Pero iyong ibang artista, makakaalala lang o magbibigay lang kapag may pelikula, TV show o kung anumang bagay na kailangang i-promote sa media.

Kaya next Saturday, hindi lang ang muling salpukan nina Nora Aunor (Ang Kuwento Ni Mabuti) at Gov. Vilma Santos (Ekstra) para sa Best Actress award ang aabangan ng marami, kundi pati na rin ang Darling of the Press award.

Incidentally, ang iba pang nominees para sa Best Actress category ay sina Bea Alonzo (Four Sisters And A Wedding), Rustica Carpio (Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?), KC Concepcion (Shoot To Kill:  Boy Golden), Angel Locsin (Four Sisters And A Wedding), at Lorna Tolentino (Burgos).

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *