Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Zambo judge todas sa ambush

Zambo judge todas sa ambush

030114_FRONT

ZAMBOANGA CITY – Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa pribadong ospital ang isang judge matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 8 a.m. kahapon, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay sa Narra Drive, Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Judge Renerio Estacio, presiding judge ng Branch 14 ng Regional Trial Court (RTC-9) ng lungsod.

Nabatid na kalalabas pa lamang ng biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang kotse nang barilin ng suspek na sakay ng Honda XRM motorcycle na walang plate number.

Maswerteng nakaligtas ang kanyang misis na noon ay kasama rin sa kanilang sasakyan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Kamakalawa, isang piskal sa Quezon City ang inatake ng sentensiyadong kidnapper/killer sa Quezon City.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top