Thursday , April 18 2024

Trouble maker na ‘parak’ nanakot ng dalagita

INIREKLAMO ng  17-anyos dalagita ang isang lasenggong pulis, sinasabing sakit ng ulo sa lugar, dahil sa pananakot at  paninigaw sa Binondo, Maynila, iniulat kamakalawa.

Dumulog ang biktimang si Lady Charizze  sa MPD Women’s and Children’s Desk, para ireklamo ang suspek na  kinilalang si PO1 Randel Arboleda, ng 679 Barcelona St., Binondo, kagawad ng MPD.

Ayon sa biktima, kumakain siya sa isang karinderya dakong 7:00 ng gabi noong February 25, nang dumating ang lasing na suspek na tumabi sa kanya at hinahanap ang kanyang tiyuhin na si Kagawad Jonjon.

Dahil galit na galit umano sa kanya ang suspek at minumura pa siya, tinanong ng biktima kung ano ang problema ni PO1 Arboleda.

Sa halip na sumagot ay  binunot umano ng suspek ang kanyang baril  at sinigawan si Lady Charizze.

Sa takot ng biktima, agad siyang tumayo  at lumayo sa lugar nang biglang dumating ang kanyang tiyuhin na si Kagawad Jonjon.

Nang makaharap  ni Arboleda si kagawad Jonjon inutusan pa umano ng lasing na pulis ang kanyang alalay na kunin ang isa pang baril sa kanyang bahay.

Dahil dito, nagparesponde sa mga kagawad ng pulisya si Chairman Roderick Bautista pero  agad tumakas si PO1 Arboleda.

Ayon kay Chairman Bautista, matagal nang sakit ng ulo sa kanilang lugar si PO1 Arboleda na laging lasing at nanggugulo.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *