Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / JS prom niratrat estudyante todas

JS prom niratrat estudyante todas

LEGAZPI CITY – Patay ang 24-anyos estudyante makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa mismong JS prom sa Brgy. Cagbagtang, Cataingan Masbate kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jomie Masarque,  4th year highschool student at residente ng na-sabing bayan.

Sa impormasyon ng mga awtoridad, habang nagbibihis ang biktima para sa presentasyon sa nasabing programa ay bigla na lamang duma-ting isang lalaki na armado ng mataas na kalibre ng baril.

Nasa gilid ng stage ang biktima nang pagbabarilin ng suspek hanggang siya ay matumba.

Isinugod sa pagamutan si Masarque ngunit idineklarang dead on arrival.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top