Monday , September 8 2025

2-anyos paslit napisak sa backhoe

KALIBO, Aklan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 2-anyos lalaking paslit matapos magulungan ng backhoe habang nasa gilid ng kalsada sa Banga, Aklan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Gian Zausa, residente ng naturang lugar.

Ayon kay PO1 Neptali Hao ng Banga Police, hindi namalayan ni Vivian Sauza, lola ng biktima at nagbabantay sa kanyang apo, na nakalabas ang bata sa kanilang bakuran at nakatakbo sa kalsada.

Base sa impormasyon, umiwas ang driver ng backhoe sa kasalubong na SUV dahilan para mahagip ang bata sa gilid ng kalsada.

Todo ang pagtanggi ng driver ng backhoe na si Francisco Tim-oc, 54, residente ng Floridablanca, Pampanga, na may nasagasaan siyang bata.

Ayon sa kanya, hindi niya namalayan ang pangyayari dahil masya-dong mataas ang kanyang sasakyan at nakasarado.

Ayon sa pulisya, ang backhoe ay pag-aari ng BSP and Company Inc.

Nakakulong na ngayon driver at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Eastern Visayas RSTW 2025 Spurs Partnerships for Smarter Communities

Eastern Visayas RSTW 2025 Spurs Partnerships for Smarter Communities

Tacloban City, Leyte – Eastern Visayas formally opened the 2025 Regional Science, Technology, and Innovation …

SM Supermalls Bold New Era All for You

SM Supermalls’ Bold New Era: All for You
From iconic destinations to evolved spaces, SM Supermalls is shaping malls that blend scale, innovation, and community for every Filipino.

SM Supermalls marks 40 years of retail leadership with a bold roadmap: to deliver one …

Bulacan Police PNP

Tatlong most wanted person arestado ng Bulacan PNP

SA sunod-sunod na pinaigting na manhunt operation ng Bulacan Police Provincial Office, limang indibidwal na …

PHACTO SINElik6 Bulacan DocuFest

PHACTO, inanunsyo ang mga lahok na pelikula at iskedyul ng SINElik6 Bulacan DocuFest

BILANG bahagi ng inaabangang selebrasyon ng Singkaban Festival 2025, inanunsiyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, …

Bulacan Tatak Singkaban Trade Fair 2025

Mga produktong lokal ng Bulacan, ibibida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’

UUMPISAHAN na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang selebrasyon ng taunang Singkaban Festival sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *