Wednesday , August 27 2025

Moving On 101

00 try me francine prieto

Hi Miss Francine!

PAANO ba maka-move-on sa isang long term relationship? Two years na kaming wala pero hindi pa rin ako maka-move on. Sana mabigyan mo ako ng effective advice. Thank you and more po-wer!

God bless!

MIKEE

 

Dear Mikee,

Iba’t ibang paraan ang pagmo-move-on ng bawat tao at depende ‘yan kung gaano mo kalalim minahal ‘yung ex mo.

Heto ang ilang paraan para makapag-move-on ka.

1. Cool ka lang. Ilang buwan pagkatapos ninyong maghiwalay panay ang pag-a-analyze at pag-e-explain mo sa mga kaibigan at kaki-lala mo kung ano bang mali sa relasyon ninyo kaya kayo naghiwalay. Paulit-ulit hanggang ma-bore mo na ang mga kaibigan mo at matakot ang mga lalaking makikipag-usap sa ‘yo.

 

2. Isipin mo na respon-sable ka rin kaya kayo naghiwalay. Madalas pagkatapos maghiwalay kung hindi mo sinisisi ang sarili mo, sinisisi mo ang lahat ng pagkakamali sa ex mo. Pero dapat ba-lansehin mo para maisip mo na mas mabuti ngang naghiwalay kayo.

 

3. Huwag magpaawa effect. Madalas ang mga babae pa-victim effect. Mas nakararanas ng depresyon ang mga babae kaysa mga lalaki pagkatapos ng paghiwalay. Dapat mas maging matatag at positive lang tayo. Madaling sabihin pero kelangan maging ganun tayo para hindi tayo makagawa ng mga maling desisyon tulad ng magkaroon ng rebound.

 

4. Huwag kalimutan ang sarili mo. Pagkatapos ng pag-hiwalay madalas ay napapabayaan na natin ang ating sarili. Ayos lang na umiyak ka hangga’t gusto mo, pero kapag naibuhos mo na lahat, sarili mo naman ang ayusin mo. Magpagupit o magpakulay ka ng buhok. Pwede rin magpa-manicure at pedicure ka. Living well is the best revenge.

 

5. Harapin ang bukas. Ito na ang pinakamahirap sa lahat, ang tanggapin na wala na talaga at tapos na. Ito na ang oras para bigyan mo nang panahon ang iba pang nagmamahal sa ‘yo tulad ng pamilya at mga kaibigan mo. Sumali ka sa mga bagong aktibidades sa inyong pa-mayanan. Magkaroon ka ng bagong isport.

Madaling basahin at kayang gawin ‘yan ng utak mo, pero madalas kalaban mo rito ang puso mo, kaya dapat maging mas mata-tag ka at huwag mong madaliin ang pagmo-move-on. Kailangan din na mapa-tawad mo si ex lalong-lalo na ang sarili mo. At higit sa lahat magdasal ka na tulungan kang makapag-move-on.

Gaya nga ng tattoo ko sa likuran “Only time can heal a broken heart and a wounded mind.” Give it time, pag naibuhos mo na ang lahat, alagaan mo naman ang sarili mo at ma-ging handa para sa susu-nod na magmamahal at mamahalin mo.

Love,

Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at research. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me AskFrancineP@gmail.com or text me 0939-9596777

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Llamanzares Pangasinan

Serbisyong totoo: Brian Poe, nagdala ng ayuda sa mga kababaya sa Pangasinan

San Carlos, Pangasinan — Isang makulay na gabi ng musika at pasasalamat ang idinaos ng …

Raymond Adrian Salceda Albay TESDA

Salceda: Albay at TESDA, magpa-partner sa AI Readiness Institute 

LIGAO CITY – Inihayag kamakailan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian “Adrian” Salceda, ‘House …

Heaven Peralejo Vic Sotto Boss Vic Del Rosario Playtime

Heaven bucket list makatrabaho si Bossing Vic 

MATABILni John Fontanilla ESPESYAL para kay Heaven Peralejo ang maging ambassador ng Playtime at makasama ang host/comedian …

Home Credit Notice of Annual Stockholders Meeting FEAT

Home Credit: Notice of Annual Stockholders’ Meeting (September 11, 2025)

NOTICE OF ANNUAL STOCKHOLDERS’ MEETING Notice is hereby given that the Annual Stockholders’ Meeting of …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *