Friday , September 19 2025

Karayom (Tagos sa Puso at Utak)(Unang labas)

SINABI NI GARY KAY JONAS NA ANG PAG-IBIG AY PARANG UTOT NA TALAGANG MAHIRAP PIGILIN

“’Lam mo, ‘Dre… ‘yang pag-ibig ay parang utot din na mahirap pigilin,” sabi kay Jonas ng kaibigan ni-yang si Gary.

“Ako, may tama kay Lorena?” aniyang nangingiti.  “Joke  ‘yun, ‘Dre?”

“Aminin… Kundi’y hahaba ‘yang ilong mo,” sabi ni Gary, nakangisi.

“Kulangot ka, inaalaska mo ba ako?” biglang baling niya sa binata na dating kaklase sa high school.

“Imposible ba?” anitong nakatawa na. “Sa mga fairy tales, ‘di ba’t may bidang nai-in-love sa isang kakatwang creature, gaya ng sirena?”

“Sa mga kwentong pambata, oo… Bata ba ‘ko?”

“Paminsan-minsan, isip-bata…”

“Gagi!” aniyang padaplis na nambatok kay Gary, kulang na lang ay mapulang lipstick sa mga labi at makapal na pulbos sa mukha at  payaso na.

Si Jonas, pagdating sa babae ay totoong napakapihikan. Oo nga’t maganda naman sana ang mukha ni Lorena at may nangungusap na mga mata. Pero hindi papasa sa panlasa niya ang tipo nito:  Payat, nangingitim ang ba-lat na tila sunog-sa-araw  pero namumutla.  At ito’y edad  beinte nuwebe na,  inihahanay niya sa tinatagurian ni-yang mga  “Ate,” kundi man “Lola.” Malayung-malayo  nga ang itsura ni Lorena sa nakarelasyon niyang mga babae na puro pang-beauty contest ang taglay na ganda.

Kumbaga’y “lisensiyado” namang magpihikan si Jonas. Kasi nga’y hindi lang siya basta pogi.  Matangkad siyang lalaki, mestisuhin ang makinis na balat, at mapagkakamalang artista sa pananamit at porma. At hindi man siya anak-mayaman, ang pamilya nila sa isang malayong lalawigan sa Norte ay nakaaangat sa buhay sa maraming pami-pamilyang gumagapang sa kahirapan. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Poten-Cee Quill Anvil

50th anniversary campaign ng Poten-Cee, wagi sa Quill at Anvil

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG taon matapos ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo nito, patuloy na …

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

ICTSI Papua New Guinea PNG Feat

From rich coast to choice cuisine: We’re giving Papua New Guinea’s tuna bounties a first class journey (ICTSI)

FROM RICH COAST TO CHOICE CUISINE:WE’RE GIVING PAPUA NEW GUINEA’S TUNA BOUNTIES A FIRST CLASS …

MNL City Run ION Power Run FEAT

MNL City Run’s ION+ Power Run Wants You to Push Beyond Your Limits

There’s more to running than just endurance and speed. When the community unites for a …

GTCC GameZone Tablegame Champions Cup FEAT

GameZone set to create another splash with GTCC: September Arena

The official logo of the GameZone Tablegame Champions Cup With the success of the Summer …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *