Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, ‘di nakaporma kay Kathryn, kay Kim pa kaya?

Marian, ‘di nakaporma kay Kathryn, kay Kim pa kaya?

ni  Alex Brosas

IMBIYERNA ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kumakalat na chismis na kaya magtatapos ang teleserye ng dalawa ay dahil mababa ang rating nito at walang masyadong ads.

Ang feeling nila ay pakawala ng kalabang network ang chismis na ito.

Galit ang Kathniel fans sa comments nila sa social media.

“FYI sa mga kapusong kumukuwestiyon sa pagtatapos ng G2B. Dahil sa mataas na ratings nito araw-araw kayang-kaya ng management i-extend ito. kahit pa 2years, sa galing ba naman ng mga writer ng ABS. Kaya lang maraming naka-line-up na dekalibreng teleserye ang ABS-CBN. Kaya mag-gigive way muna ang KathNiel, tutal naman more than half a year na silang namamayagpag sa primetime. Kailangan na nilang magpahinga at mag-prepare para sa upcoming movie nila She’s Dating  the Gangster.  For sure mamamayagpag din ang ang papalit na teleseryeng ‘Ikaw Lamang’ sa ratings. #KapamilyaForTheWin,”  talak ng isang maka-Daniel at Kathryn.

“Andaming alam ng mga kapuso fan. Problemahin n’yo muna ang carmela ng telebabad queen nio kasi haharapin nya na ang primetime princess na si kim chui. Sa Teen queen na si kath pa nga lang hindi sya makausad eh,” pananaray naman ng isa pa.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top