Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vhong sinampahan ng bagong rape case

Vhong sinampahan ng bagong rape case

ISA pang babae ang nagsampa ng kasong rape laban sa television host at komedyanteng si Vhong Navarro matapos ang sinasa-bing paggahasa sa kanya ng aktor noong 2010.

Sinabi ng abogadong si Virgilio Batalla, nagsampa ang kampo nila ng kasong rape laban kay Navarro sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Nang tanungin kung bakit ngayon lang isinampa ang kaso matapos ang ilang taon, sinabi ng abogado na iyon ay “discretion of my client.”

Ang panibagong kasong rape ay isinampa habang kinakaharap ni Navarro ng kontrobersya na kinasangkutan niya at ng model-stylist na si Deniece Cornejo, na nauna nang pinagbintangan ang komedyante na nagtangkang gumahasa sa kanya.

Kaugnay nito, nilinaw ni Batalla na ang kanyang kliyente ay hindi konektado sa kampo nina Cornejo at Cedric Lee, na nasangkot sa pagbugbog kay Navarro noong gabi ng Enero 22.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top