Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mansyon ni Mommy D nilooban ng kaanak’

Mansyon ni Mommy D nilooban ng kaanak’

NILOOBAN ng dalawang lalaki ang mansyon ni Dionisia Pacquiao sa General Santos City kahapon ng umaga.

Isa sa mga suspek na si Richard Chato ay suga-tan makaraang barilin ng isa sa mga bodyguard ni Pacquiao. Nadakip din ang isa pang suspek na si Renil Bendoy.

Ang mga suspek na sinasabing kamag-anak ni Pacquiao ay nahuli sa akto habang nagnanakaw ng gripo, circuit breakers at fire extinguishers.

Ayon sa imbestigas-yon, binaril ni Jerson Estipona, isa sa mga bodyguard ni Pacquiao, si Chato nang magtangkang tumakas.

Hindi nagbigay ng komento sina Pacquiao at Estipona kaugnay sa insidente.

Ang mansyon ay walang tao at ibinibenta na makaraang lumipat na si Pacquiao sa bago niyang bahay sa VSM Heights Subdivision.           (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top