Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd naaksidente sa shooting

John Lloyd naaksidente sa shooting

ISINUGOD sa pagamutan ang aktor na si John Lloyd Cruz kahapon makaraan maaksidente sa Mount Pinatubo habang nagso-shooting sa bagong station ID ng ABS-CBN.

Ayon sa ulat, sakay ang aktor ng biseklita at nang iwasan ang lubak ay bigla siyang bumagsak na una ang mukha.

Nasugatan si Cruz sa kaliwang nostril at sinasabing may nakapasok na bato sa kanyang ilong.

Si Cruz ay na-shock sa insidente at sumailalim na sa CT scan. Siya ay nakatakdang ilipat sa pagamutan sa Metro Manila.

Samantala, itinanggi ng ABS-CBN’s talent management arm Star Magic na nasaktan din sa insidente ang kasintahan ng aktor na si Angelica Panganiban.

“Angelica Panganiban was present at the shoot but was not part of the scene and not involved in the accident. We thank everyone for their concern,” pahayag ng Star Magic.                    (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top