Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jericho, epektibong komedyante sa ABNKKBSNPLAko?

Jericho, epektibong komedyante sa ABNKKBSNPLAko?

ni  ROMMEL PLACENTE

NAPANOOD namin ang comedy film na ABNKKBSNPLAko? (Aba, Nakakabasa Na Pala Ako), mula sa Viva Films na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Meg Imperial, Vandolph Quizon, at Andi Eigenmann.

In fairness, maganda ang pelikula, nagustuhan namin ito, huh!. Hindi na kami nagtataka kung bakit nakakuha ito ng Graded A mula sa Cinema Evaluation Board.

Ang pelikula ay base sa best-selling, now classic book na may parehong pamagat mula sa panulat ni Bob Ong.

Kilala si Echo bilang isang dramatic actor pero sa nasabing pelikula ay nag-comedy siya na first time niyang ginawa.

“It’s a blessing, it’s a blessing lang na makapag-comedy and then, makapag-drama and later on, action. And it’s a good kind of comedy na talagang may mapupulot ka rin na aral at the same time, loko-loko lang,” sabi ni Echo.

Masasabi ni Echo na naka-relate siya sa kanyang role sa pelikula. ‘Yung nangyari raw sa karakter niya rito bilang si Robert ay nangyari rin daw sa kanya noong bata pa siya.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top