Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga sinehan para sa “Basement” ng GMA films, ibinigay na sa blockbuster na “Starting Over Again” (Kaysa malugi ang theater owners!)

Mga sinehan para sa “Basement” ng GMA films, ibinigay na sa blockbuster na “Starting Over Again” (Kaysa malugi ang theater owners!)

NO offense meant sa mga taga-GMA Films pero dapat ay tanggapin talaga nilang nangungulelat sa takilya ang horror film nilang “Basement.”

The worst halos lahat ng sinehan na pinagtatanghalan ng movie nila ay ibinigay na sa super blockbuster na pelikula nina Piolo Pascual na “Starting Over Again” na as of presstime in just six days ay lampas P200 milyon na ang kinikita sa takilya.

Posible mang umabot sa P500 million mark ang said film na produce ng Star Cinema. Kapag nangyari ito, ang Starting Over Again na ang maituturing na Highest Grossing Filipino Film na hawak ni Vice Ganda para sa MMFF movie nito last 2013 na Girl Boy Bakla Tomboy. Hindi lang dito sa Pinas pinipilahan ang nasabing pelikula maging ang US Premiere nito na may dalawang screening sa Fox Theatre na personal na dinaluhan nina Papa P at Toni ay parehong jampacked. Nakatakda rin itong ipalabas sa North America at Canada simula February 21 at sa March naman sa Australia at Middle East na mapapanood sa ilang mga sinehan. Narito pala ang mensahe ng pasasalamat ni Piolo para sa lahat ng mga nanonood ng movie nila ni Toni.

“Starting Over Again” has made 150M in just 4 days. This truly a record breaker. Marami pong salamat sa inyong lahat mula sa bumubuo ng Star Cinema. The movie is now showing in over 270 Cinemas nationwide as of the moment being received very well by jampacked audience at the US Premiere,” say ng guwapo at mahusay na actor na feeling heaven pa rin ngayon sa resulta ng bagong project.

Winner na winner sa takilya gyud!

Paglabas ng ‘Baby Kambal’ nina Maya at Ser Chief, pinakaaabangan na ng lahat…

JODI AT RICHARD, ALAY SA TV VIEWERS ANG 2 TAON TAGUMPAY NG “BE CAREFUL …”

Handog sa TV viewers nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang halos dalawang taon nang pamamayagpag sa ere ng daytime kilig-serye nila sa ABS-CBN na “Be Careful With My Heart.”

“Dahil sa suporta ng mga manonood, patuloy kaming nabibigyan ng pagkakataon na magpasaya at magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa mas marami pang tao,” pahayag ni Jodi kaugnay ng kanilang programa na inilunsad sa Primetanghali block ng ABS-CBN noong Hulyo 9, 2012. Kwento ni Richard, madalas ay namamangha pa rin sila sa pagmamahal at lalim ng koneksyon ng TV viewers sa love story nina Maya at Ser Chief.

“Masarap sa pakiramdam na kahit paano ay nakatutulong sa kapwa sa kakaibang paraan. May viewers kaming may sakit na kapag nakita na kami ay sumasaya na,” ani Richard.

“Nandito lang kami lagi para pasayahin ang mga manonood at gagawin namin ito hangga’t kailangan pa nila kami.”

Samantala, kapwa excited na sina Jodi at Richard sa magiging reaksyon ng publiko sa paglabas ng kanila ‘Baby Kambal.’

“Dapat tutukan ng lahat ang pagdating ng bagong member ng Lim family at kung paano babaguhin nina ‘Baby Kambal’ ang buhay nina Maya at Ser Chief,” sabi ni Jodi.

Huwag palampasin ang “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-”It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-‘like ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

‘BEST ENDING EVER’ NG “GOT TO BELIEVE” SA MARSO NA!

Wala nang bitawan ang primetime TV viewers sa huling tatlong linggo ng toprating romantic TV series ng ABS-CBN na “Got To Believe” na handog ang ‘best ending ever’ ng tambalang kinakiligan, kinahuhumalingan, at inibig ng buong sambayanan. Mula nang umere ito noong Agosto 2013, gabi-gabi nang wagi sa national TV ratings at worldwide trending topic sa Twitter ang masaya, makulit, nakakikilig, nakaiiyak, at puno ng pagsubok na love story nina Chichay (Kathryn Bernardo) at Joaquin (Daniel Padilla). Sa lahat ng hadlang na kanilang pinagdaanan, aasa pa rin kaya sina Chichay at Joaquin sa ‘magic’ ng pag-ibig nila para sa isa’t isa? Bahagi rin ng cast ng “Got To Believe” sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion, at Carmina Villarroel. Ito ay sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina, Richard Arellano, at Ricky Rivero.

Samantala, patuloy na mabibili sa music at video stores sa buong bansa ang “Got To Believe” official soundtrack ng Star Records at “Got To Believe” DVD ng Star Home Video na kapwa nagkakahalagang P199 lamang. Huwag palampasin ang “best ending ever” ng “Got To Believe” sa Marso 7 (Biyernes) pagkatapos ng “Honesto” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top