Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 HS studs sugatan sa JS prom (Lobo sumabog)

3 HS studs sugatan sa JS prom (Lobo sumabog)

ILOILO CITY – Tatlong high school students ng Ateneo de Iloilo ang sugatan sa naganap na balloon explosion sa kanilang JS prom.

Ang insidente ay naganap nitong Sabado pa ng madaling-araw ngunit hindi muna kinompirma sa pulisya at media.

Ayon kay PO3 Jobert Amado, imbestigador ng Mandurriao PNP, ang insidente ay nangyari sa Diversion 21 Hotel sa Mandurriao, Iloilo City.

Limitado ang impormasyon ng mga pulis dahil tumanggi pang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng hotel at paaralan.

Ngunit sa nakalap na impormasyon, ang insidente ay naganap sa Room 401 ng hotel pagkatapos ng JS prom noong Valentine’s Day.

Napag-alaman na habang nagkaroon ng ‘post party’ ang ilang mga estudyante nang sumabog ang ballon nang magsindi ng lighter ang isang lalaking estudyante.

Tatlong estudyante ang sugatan sanhi ng pagkasunog kabilang ang isang anak ng politiko sa lalawigan ng Capiz.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top