Sunday , September 14 2025

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 14)

 

ANIMO’Y MALAKING HANDAAN ANG SUMALUBONG SA AMIN NI INDAY AT NAROON ANG BUONG ANGKAN

Mahigpit nga lang ang kanilang paalala  na iuwi ko ang kanilang anak bago gumabi. May pahabol pang tagubilin ang erpat niya. Pakai-ngatan ko raw ang kanilang anak. Nang mag-goodbye kiss si Inday sa kanyang ermat ay sina-bihan siya nitong “mag-enjoy ka sana!”  Ay, kinilig ang puso ko sa tuwa!

Sa bus, habang nagbibiyahe kami ni Inday ay nag-text na ako sa aking pamilya. Ipinaalam ko kina ermat at erpat na may bisita akong kasama sa pag-uwi sa amin. Sinampalukang manok ang hiniling ko kay ermat na lutuin para sa pananghalian. Kung puwede, maghanda rin ng meryendang maja blanca na binudburan ng latik ng niyog. Naglambing naman ako kay erpat na ipanungkit ako ng manggang manibalang sa aming bakuran.

Tanong ni ermat sa text: “Sino’ng kasama mo?”

“GF ko po… si Inday,” ang sagot ko.

“Me advance deposit na ba kaya gusto ng mangga?” tanong pa ni ermat.

“’Di po, paborito lang n’ya,” sabi ko.

“Maganda ba?”

“Kaliskisan na lang po n’yo pagdating po namin d’yan…”

Pagbaba namin ng bus ni Inday, malayo pa ay natanaw kong marami nang tao sa aming bakuran. Puro kamag-anakan ko – sina lolo at lola sa side ni erpat, mga tiyuhin, tiyahin at pininsan. Naroon sila sa lilim ng punong mangga, magkakaharap sa tagayan ng alak.  Sa dami ng nakahandang pagkain, parang piyesta. Ganu’n ang kinamulatan kong tradisyon sa amin kapag may espesyal na okasyon, gaya ng araw ng kapistahan sa aming barangay. At ang espesyal na okasyon sa araw na ‘yun, sa hula ko, ay ang pagpapakilala sa kanila sa kasama kong girlfriend, na kanila ngang kakaliskisan.

Pihong sina grandpa at grandma ang may ideya na gawing bongga ang handaan sa pag-uwi ko. Ganu’n nila ako ka-favorite na apo.

Bumubungad pa lang kami ni Inday sa tarangkahan ay sumalubong na sa amin ang dalawang matanda. Humalik ako sa kamay nina grandpa at grandma. Nagmano rin si Inday.

“Hiyang ka sa Maynila, ha, apo? Lalo kang gumwapo, e,” ang sabi ng aking lolo.

Napakamot ako sa ulo at napangiti. Beinte uno na ang edad ko ay binibilog pa rin ni grandpa ang ulo ko. Kunsabagay, ganu’n yata talaga pagtingin ng mga lolo at lola sa kanilang apo na tinatawag nilang “tubo sa puhunan.”

Nagmano ako sa aking mga magulang. Mano rin si Inday. Muntik na tuloy mapudpod ang ilong ko sa dami ng mga tiyuhin at tiyahin na naroroon. Tingin ko’y okey din lang ang ga-yon kay Inday. Kaugalian din daw sa kanila ang pagmamano sa mga nakatatanda bilang pagbibigay-galang.

Naghugas ng kamay at nagkamay lang si Inday sa pagkain. Nasa kanya ang pinong galaw at kilos pero hindi ko siya kinakitaan ng pag-iinarte o pagkukunwari.

(Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PUSO ng NAIA

Serbisyo publiko ‘wag ibenta
Alyansa tutol sa NAIA fee hike

PINALAGANAP ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (PUSO ng NAIA) ang …

100 Marian images featured sa isang exhibit sa SM Center Pulilan

100 Marian images featured sa isang exhibit sa SM Center Pulilan

Hindi bababa sa 100 larawang Marian ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng …

Globe One Beetzee Play

Turn waiting time into quick escapes with Globe and Beetzee’s binge-worthy Piso serye

Turn life’s little pauses into moments of kilig-filled escapes, action-packed breathers, or touching stories as …

2025 NSTW Media Kickoff DOST Region 1 to Host Milestone Celebration in November

2025 NSTW Media Kickoff: DOST Region 1 to Host Milestone Celebration in November

The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), in partnership with the …

FGO Logo

Maging handa vs Leptospirosis

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Magandang araw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *