Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ngiti ni Vhong, nasilayan na!

Ngiti ni Vhong, nasilayan na!

ni Alex Brosas

FINALLY ay nasilayan na ng netizens ang mailap na ngiti ni Vhong Navarro.

Nag-post ang admin ng Facebook fan page ni Anne Curtis ng photo  noong Valentine’s Day na magkakasama sina Vhong, Anne, Ryan Bang, Billy Crawford and other It’s Showtime co-hosts sa isang mesa.

Ang daming nag-like sa photo, around 200,000 and all of them are saying na sana ay bumalik na si Vhong sa noontime show ng Dos.

Marami ring nagpadala ng message of concern kay Vhong, talagang nag-aalala sila sa komedyante. Wish nga nila ay malagpasan lahat ni Vhong ang mga pagsubok sa kanya.

Mga charity event, laging naka-post sa social media

KRIS, UHAW PA RIN SA PUBLICITY

BAIT-BAITAN ang peg ni Kris Aquino dahil nakuha na n’yang batiin si James Yap noong birthday nito.

The TV host posted this message on her @krisaquino214 Instagram: “Happy Birthday James. Peace, harmony & God’s blessings to you… I am a Mom who has learned to set aside past hurts & I’ve learned how to move on w/ God’s grace because I want my sons to be well adjusted & positive. And that starts w/ my example. #peace #maturity.”

Ang chika, mayroon ng suitor si Kris na non-showbiz, hindi guwapo pero mayaman. Da who naman kaya siya at tila maagang ipriness-release ang kanyang love life?

Anyway, for her birthday celebration naman ay namigay ng groceries si Kris sa ilang piling lugar sa Manila, her way of sharing her blessings.

Kaliwa’t kanan ang coverage, ha. Sa social media na lang ay talagang ang daming photos of Kris sharing her blessings.

With that ay mayroong mga nakapansin na parating may publicity ang mga charity event ni Kris, parati itong nakabandera sa social media. Bakit? Eh, kasi Kris is one celebrity na uhaw sa publicity. Kailangang bawat kilos niya ay pag-usapan, bawat buka ng bibig niya ay topic sa mga huntahan. That’s Kris Aquino for all of us.

Billy at Coleen, magdyowa na at ‘di lang mag-MU

MAY mutual understanding na raw sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

That’s according to Billy himself na wala nang pagpipigil sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal for Coleen. Hinarana nga niya ito sa It’s Showtime recently. At para ipakitang sweet sila at para na rin pakiligin ang audience ay hinalikan pa niya sa kamay ang dalaga.

Many were of the belief na magdyowa na sila aT hindi simpleng may mutual understanding lang.

Although out na out na mayroong romantic something between them ay tila hindi pa rin maka-move on ang fans ni Billy na gustong si Nikki Gil ang makatuluyan ng binata.

Kahit sa social media ay ramdam ang kanilang disgusto kay Coleen na ang tingin nila ay anaconda o ahas sa relasyon nina Billy at Nikki.

“ang bilis mka move on!! ang papel ni coleen tgasalo ng basura ni niki.”

“D bale.. maghihiwalay din kayo.. tikim tikim lng yan.”

‘Yan ang comment ng dalawang hitad matapos nilang makita ang sweet photo nina Billy at Coleen.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top