Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P.9M alahas, pera natangay sa seaman (Bahay nilooban)

P.9M alahas, pera natangay sa seaman (Bahay nilooban)

TINATAYANG  nasa P.9-M ang halagang natangay na alahas at pera ng dating seaman, matapos looban ng hindi nakilalang suspek ang kanyang bahay sa Malabon City.

Salaysay ng biktimang si Maynardo Fernando, 65-anyos, ng Crispin St., Brgy. Tinajeros ng lungsod, dumalaw sila  ng kanyang maybahay sa ilang kaanak sa Caloocan City, kamakalawa ng uamga.

Dakong 9:30 ng gabi nang umuwi sila nang datnan nilang magulo ang loob ng kanilang bahay at nadiskubreng wala na ang P200,000 cash at alahas na nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000.

Sa imbestigasyon,  puwersahang winasak ng hindi nakilalang suspek ang kandado ng pinto na kanyang dinaanan.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top