Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Miss PH Earth, BF, 2 pa, hinoldap sa San Juan

Miss PH Earth, BF, 2 pa, hinoldap sa San Juan

WALA nang pinatatawad ang mga tandem in crime nang biktimahin ng nakamotorsiklong suspek si reigning Miss Philippines Earth Angelee delos Reyes at kanyang boyfriend at dalawang kaibigan, sa isang Chinese restaurant sa San Juan, Sabado ng gabi.

Katatapos kumain ang grupo ng beauty queen kasama si Miss Philippines Fire Alma Cabasal sa restaurant nang holdapin.

Sa kuha ng closed circuit television (CCTV), nakatayo sa gilid ng kalsada ang boyfriend ni Angelee na si Yussef Esteves, nang bigla itong lapitan ng isang lalaki na bumaba mula sa motorsiklo.

Balak sanang manlaban ni Yussef pero nagdalawang-isip at nangamba sa seguridad nilang magkakaibigan dahil armado ng baril ang suspek na namukhaan ng isa pa nilang kaibigan.

Tingin ng magkakaibigan, maaaring minanmanan sila ng mga suspek dahil nang balikan nila ang kuha ng CCTV camera, kapansin-pansing dinaanan na sila ng kulay itim na motorsiklo na walang plaka at nang pagbalik nito ay doon na sila hinoldap.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top