Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-asawa inulan ng bala mister tigok, 1 pa, sugatan

Mag-asawa inulan ng bala mister tigok, 1 pa, sugatan

PATAY ang 35-anyos mister, habang sugatan ang kanyang misis at isa nadamay,  matapos paulanan ng bala ang mag-asawa habang papunta sa isang kainan sa Quiapo, Maynila, iniulat kahapon ng umaga.

Patay na nang idating sa Mary Chilles Hospital ang biktimang si Mohammad Karain, alias “Urak”  ng Vergara St., sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Ginagamot sa Ospital ng Sampaloc ang kanyang misis na si Norcaya Lawwanta, 30, nadaplisan ng bala sa puwet, at dinala sa Orthopedic Hospital ang isang Rudy Raymundo, 32, tinamaan ng ligaw na bala  sa paa.

Sa imbestigasyon ni PO3  Crispino Ocampo ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, dakong 11:00 ng umaga naganap ang insidente sa Arlegui St., Quiapo.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Muslim mosque isang traditional rites ng mga Muslim pag namamatay. (leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top