Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Testimonya ni Tuason bullseye — Miriam

Testimonya ni Tuason bullseye — Miriam

KUNG “slam dunk” ang termino ni Justice Sec. Leila Delima, tinawag naman “bullseye” ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga testimonya ni Ruby Tuason, ang panibagong testigo na aniya’y tiyak na walang kawala ang mga sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam kabilang na sina Senators Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.

Si Santiago ay dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, at tinawag niyang “perfect witness” si Tuason dahil “eye witness” o personal na nakita ang anomalya na  kinasasangkutan ng ilang senador.

Partikular na tinukoy ni Santiago ang testimonya ni Tuason nang ibunyag na personal niyang inihatid ang pera sa tanggapan ni Sen. Estrada sa Senado, at siya rin ang personal na nagbigay ng pera para kay Enrile sa pamamagitan ng chief of staff na si Atty. Gigi Reyes, bilang kickbacks ng pork barrel scam mula kay Janet Lim-Napoles.

Ani Santiago, kahit patayin si Tuason ay mananatiling buhay ang sinumpaan niyang salaysay na magdidiin sa mga akusado.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top