Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Patay at kabaong sa dream

Patay at kabaong sa dream

Muzta senor h,

Ngdrims aq meron dw patay  tas dw po meron dn kabaong , anu kya meaning nitu? Plz interpret, jst kol me boyastig ng stamesa..slmt dnt post my CP #!

To Boyastig,

Ang ganitong klase ng panaginip ay maaaring isang babala na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo rin sa mga maling grupo. Ito ay maaaring magdulot sa iyo ng material loss. Ito ay posible rin namang isang paraan upang maresolba ang iyong damdamin sa mga yumao na. Sa specific na kaso ng bungang tulog mo, maaari rin namang ito ay nagsasaad ng nawala o bumagsak na pag-asa o kaya naman ay proyektong hindi natuloy. Ang kabaong naman ay sumisimbolo ng womb, ito ay posibleng sagisag din ng iyong pananaw at takot hinggil sa kamatayan. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagre-represent ng ideas at habits na hindi mo na kailangan o dapat ng alisin o iwaksi. Isa pang paalala sa ganitong uri ng panaginip ay ang posibilidad ng pagdating ng period of depression. Maaaring makadama na ikaw ay confined, restricted at may kakulangan ukol sa personal na kalayaan. Maaari rin namang nagpapahiwatig ang bungang-tuloy mo ng patay o naaagnas na sitwasyon o isyu na dapat harapin. Posibleng paalala rin ito sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang tapusin ang ganitong sitwasyon o relasyon.

Señor H.

About hataw tabloid

One comment

  1. louie Berenguel

    hi Mr H.

    Gusto ko lang sna malaman kong ano ang meaning ng panaginip ng wife ko early as 2:30 sa umaga .
    nanaginip po siya na yung best friend ko na babae sa d niya kilala ever since , nkita daw niya na nkharap sa isang itim na kabaong . sa pag ka describe niya tugma talaga siya sa hitsura ng best friend ko . pwd ko ba I pa translate ito ?
    thank you

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top