Friday , April 19 2024

Gin Kings nilasing ang Mixers

BUMUSLO ng dalawang free throws si Mark “The Spark” Caguiao para  ihanda ang Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 7 do-or-die matapos ang  94-91 panalo laban sa San Mig Coffee Mixers sa Game 6 ng PLDT MyDsl-PBA Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum Lunes ng gabi..

Tinabla ng Gin Kings ang serye sa 3-3 matapos habulin ang 14 points na nilamang ng Mixers sa first half.

Abante muna ang Mixers, 91-90 subalit pinasok ni Caguiao ang pandiin na dalawang free throw upang ilagay ang Gin Kings sa ibabaw, 91-92 may 16 segundo na lang sa orasan.

Tinanghal na best player of the Game si Greg Slaughter matapos magsumite ng 20 points at 11 rebounds at ipuwersa ang Ginebra sa do-or-die game.

Nasa unahan ang Ginebra nang bumira ng three-point play si PJ Simon para ibalik sa Mixers ang lamang, 88-89 may dalawang minuto na lang sa payoff period.

Naagaw ng crowd favorite Ginebra ang manibela sa kaagahan ng fourth, 75-74 sa isang pull up jumper ni Caguiao subalit binawi agad ng Mixers matapos ang short jumper ni Ian Sangalang.

Gumanda ang opensa ng Gin Kings sa third period kaya natapyasan sa isang puntos ang kanilang hinahabol papasok ng fourth.

Bago matapos ang third canto naisalpak ni LA Tenorio ang kanyang three-point shot para ilapit ang Ginebra, 73-74.

Nakakapit ang Gin Kings sa first canto subalit sa second quarter ay kumalas ang Mixers matapos magsanib sina Mark Barroca at rookies Justin Melton at Ian Sangalang.

Dalawang puntos lang ang lamang ng San Mig Coffee sa first quarter, 24-22 subalit naging siyam ito sa half time, 50-41.

Sa pagbubukas ng second period humigop ng 13-4 run ang Mixers upang itarak ang 37-26 abante.

Naisalpak ni Barroca ang naagaw nitong bola upang ilista ang pinakamalaking lamang ng San Mig, 46-32 may 3:18 pa ang natitirang oras sa second canto.

Ngayong alas otso ng gabi sa pareho ring  lugar ay magkakaalaman kung sino sa kanila ang sasampa sa Finals kontra naghihintay na Rain or Shine Elasto Painters.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *