Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wally, mainit na tinanggap ng Dabarkads

Wally, mainit na tinanggap ng Dabarkads

ni Roldan Castro

MASAYA na naman ang ‘Dabarkads’ ng Eat Bulaga dahil bumalik na si Wally Bayola sa Eat Bulaga. Mainit ang pagtanggap sa kanya pagkatapos humingi ng sorry sa publiko dahil sa kanyang sex video scandal.

Isang magandang regalo rin sa birthday celebration ni Jose Manalo dahil makakasama niya ulit ang kanyang ‘partner’. Sobrang na-miss ni Jose si Wally. Inalalayan ng Dabarkads si Wally dahil halatang may trauma pa siya sa nangyari at hindi pa tuluyang bumabalik ‘yung sigla at saya ni Wally.

Marami rin ang natutuwa kay Wally dahil hinarap nito ang pagkakamali at nagsilbing leksiyon ito hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng artista. Laging pairalin ang pag-iingat sa biyayang ibinigay ng Diyos at sa mga aksiyon na ginagawa.

Marami ang naghahangad na makabangon, makabalik si Wallly alang-alang sa kanyang pamilya at mga anak.

Tsuk!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top