Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / TV-movie nina Guy at Pip, palabas sa Studio5 Original Movies ngayong Martes!

TV-movie nina Guy at Pip, palabas sa Studio5 Original Movies ngayong Martes!

BILANG Valentine’s Day special offering ng Studio5 Movies ay mapapanood na ngayong araw, Pebrero 11 ang pinakaaabangang muling pagsasama sa pinaka-iconic na love team sa Philippine cinema, ang sinubaybayan at minamahal na Guy & Pip love team nina Superstar Nora Aunor at ng multi-awarded dramatic actor  Tirso Cruz III.

Sa pelikulang When I Fall In Love, tampok sina Guy & Pip bilang mag-asawang Armando at Fely Buenaventura na humaharap sa pinaka-malaking pagsubok sa kanilang pagsasama. Pero patutunayan nila ang kahulugan ng tunay na pagmamahalan para maging inspirasyon sa kanilang mga anak na sina Ricky (Marc Abaya), Nica (Nadine Samonte, at Louie (Felix Roco).

Idinirehe ito ng highly acclaimed director na si Joel Lamangan. Ang Love Month series ng Studio5 Original Movies ay may handog na espesyal na made-for-TV movie na palabas tuwing Martes ng gabi sa buong buwan ng Pebrero na eksklusibong mapapanood sa TV5.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top